Tahanan
Patapos na ang ating ikatlong taon sa mataas na paaralan nang magdesisyon akong lumipat na ng eskwelahan. Marami akong mga naging dahilan, mga rason na idinahilan ko lamang upang tuluyang makaalpas sa eskwelahang kumupkop sa akin nang halos pitong taon. Pero hindi rin naman natuloy ang inasam kong kalayaan. Nagsimula na ang unang araw ng ating klase sa ating huling taon sa sekondarya, tayo-tayo pa rin ang magkakasama.
Aaminin kong dismayado ako dahil hindi natupad ang munting hiling ko, pero tinanggap ko ito nang maluwag at walang sama ng loob. Inisip ko na lang na ito ang gustong mangyari ng Panginoon dahil alam Niyang dito — o sa inyo — ako magiging masaya. Na siya nga namang nangyari.
Para sa akin, walang nasayang ni isang araw sa huling sampung buwan ng ating pagsasama. Higit pa kayo sa mga pangkaraniwang kaklase o kaibigan, kayo ang aking tahanan. Kayo ang naging takbuhan ko sa tuwing hinahabol ako ng sarili kong mga multo. Kayo ang walang pakundangang umakay at tumulong sa aking tumayo noong napilay ang aking mga emosyon. Kayo ang walang sawang nakinig sa lahat ng aking naging mga hinaing. Kayo ang nagbigay at patuloy pang nagbibigay sa akin ng kasiyahan sa mga panahon ng aking kapighatian. Kayo ang nagdulot sa akin ng pag-asang huwag sumuko at ipagpatuloy ang laban noong halos wala na akong lakas pang harapin ang mga pagsubok. Sa inyong lahat, salamat. Hindi ako magiging ganito kung hindi kayo naging bahagi ng aking mundo.
Masyado mang maiksi ang sampung buwan, tinitiyak kong habambuhay kong babaunin ang lahat ng aking mga naging karanasan sa piling ninyo — masaya man o malungkot.
At sa mga sandaling ito, ang mga sandaling unti-unti na tayong nagkakawatak-watak at nagkakahiwa-hiwalay patungo sa ating kani-kanyang mga destinasyon, hayaan ninyong sabihin kong masaya ako’t nakilala ko ang bawat isa sa inyo.
Parating na at patuloy pang darating ang iba’t ibang grupo ng mga taong gagamit ng parehong silid-aralan kung saan tayo nabuo, ng parehong pagkakakilanlan bilang star section at Prophet Nehemiah. Pero para sa akin, nag-iisa lang kayo, namumukod-tangi lang tayo.
Hanggang sa muli, mga Bordz! Alam kong hindi pa rito matatapos ang lahat. •