Bordz
Ang orihinal na plano ko talaga ay gawa’n kayo tig-iisa ng entry. Pero napagtanto kong masyado kayong marami. Kaya ganito na lang... in no particular order. Obvious naman siguro kung para kani-kanino ang mga ito.
Bordz, hinding-hindi ko kayo malilimutan. Ever. Salamat sa pagkakataong makilala kayo. •
- Ang tamad-tamad mo; pinapasa mo sa akin
haloslahat ng mga responsibilidad mo. Pero salamat, kung hindi dahil sa’yo, malamang, hindi kami magiging ganun ka-close ni *insert name here*. - Hindi ko pa ata nasasabi sa’yong crush kita. Salamat sa gabi-gabing pakikipagtelebabad, at sa tiwalang ibinigay mo sa akin. Sana marinig pa ulit kitang kumanta.
- Simula noong lumipat ka ng eskwelahan, naging magkaklase na tayo. Naging seatmate na rin kita, at ilang beses nang naging groupmate. Kataka-takang hanggang ngayon, hindi pa rin tayo close kahit sobrang malapit ka sa malalapit ko ring kaibigan.
- Alam kong pala-kaibigan ka, pero hindi ko naisip na magiging malapit tayo (kahit may nakaraang nag-uugnay sa ating dalawa). Kahit malayo na tayo sa isa’t isa, alam kong magkikita pa rin tayo. Magugulat ka na lang at nasa loob na ako ng bahay ninyo: tinititigan si Quackie, pinagtatawanan si Betchay, at nagnenenok ng DVD ng The Nativity na sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari ko naman talaga.
- Sa buong klase, ikaw ang pinaka-hinusgahan ko. Hindi mo ‘yun alam. Pero nung naging seatmates tayo, napatunayan kong mali pala ang pagkakakilala ko sa’yo. Para sa akin, ikaw ang pinakamatiyaga sa buong klase. Pinakamatiyaga, at isa sa mga pinakatamad. Nang makilala ko ang tunay na ikaw, hinangaan kita. Nakita ko kasi sa’yo ang mga bagay-bagay na wala sa akin. Halimbawa, isang magnetic ten-peso coin.
- Hindi tayo naging malapit, sayang, para kasing masaya kang kasama. Minsan ka lang humirit sa klase, at pag ginawa mo ‘yun, natitigil lahat maging ang diskusyon ng mga guro... kasi nagtatawanan na ang bawat isa. Nagtatampo nga pala ako sa’yo; hindi mo kasi ako binigyan ng Ferrero nung minsan
- Hindi ko inasahan na magiging ganun ka kabuti sa akin. Minsan nakakahiya na, pero masayang-masaya ako dahil nagkakilala tayo at naging malapit sa isa't isa.
- Marami nang nagbago mula noong una tayong naging magkaibigan. Salamat dahil hanggang ngayon, itinuturing mo pa rin akong isa sa malalapit sa’yo.
- Hindi tayo malapit sa isa’t isa, hindi dahil naglalaban ang mga katangian natin kundi dahil hindi tayo nabigyan ng pagkakataon. Lagi kong maaalala ang malakas at matinis mong pagsasalita.
- Nagsimula ang pagkakaibigan natin nang mag-open ako sa’yo para sa isang klase. Hindi ko inaasahan ang pagkakataong ‘yun, pero mabuti na lamang at ginawa ko ‘yun. Sana lang maniwala ka nang nagro-roll over talaga si Apro.
- Taun-taon na lang tayong nagiging seatmates. To think na naging magkapitbahay din tayo. Sawa na ako sa’yo. Pero sakaling imbitahan mo ako sa inyo, willing akong pumunta. Sabihan mo lang ako.
- Naiinggit ako sa’yo kasi ang lakas ng boses mo. Gusto ko rin kasi talagang maranasang sumigaw (Humandaaa..!). Hindi tayo malapit sa isa’t isa pero galit, inis, pagkaasar, pagkamuhi, at pagkasuklam ang naglapit sa atin sa isa’t isa. Ang weird, ‘no?
- Halos araw-araw tayong sabay na umuuwi pero hindi tayo naging ganoon kalapit sa isa’t isa, hanggang noong minsang nagkakwentuhan tayo tungkol sa mga lablayp natin at sa nalalapit nating buhay-kolehiyo. Residente na rin ata ako sa bahay ninyo. Ano sa tingin mo, cousin?
- Masaya akong malamang hindi mo kinakantahan ang dalawa mong seatmates. Nung naging magkatabi kasi tayo, lagi mo akong kinakantahan ng Fruitcake, kung ano man ‘yun.
- Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang meron kay Spongebob at gustung-gusto mo siya. Pero mabuti na lang at nagustuhan mo si Spongebob, kundi, mahihirapan akong humanap ng Christmas gift mo.
- Hindi ako mahilig kumanta sa harap ng anumang living thing, pero napilit mo ako. Napapakanta mo ako tuwing magkasama tayo, kahit ikaw at ako lang naman talaga ang nakakarinig sa boses ko.
- Alam kong naiinis ka sa akin minsan, at naiinis rin ako sa’yo minsan. Quits lang. Sayang nga lang kasi para kang masayang maging kaibigan.
- Ikaw, ako, at siya. Tayong tatlo ang naiwang undecided sa buhay-kolehiyo noon. May napili na kaming kurso, at may papasukan na rin kaming unibersidad. Ikaw, kumusta ka naman?
- Ikaw ang pinakamatanda, pero hindi kita matawag-tawag na ate. Ewan ko kung bakit. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin masagot ang katanungan mo: “Explain in Physics: The Disappearing Choco Mucho”. Sirit na ako.
- Salamat sa hindi pang-iiwan at pagtatampo sa akin sa kabila ng pandudusta ko sa paborito mong banda. Kasi naman, pipili ka na nga lang ng iidolohin, ‘yung matagal nang na-disband pa. At oo, aamin na ako, binu-bully nga kita. Ang saya kasing agawin ang baon mo, eh. Lalo na kung Fita Spreads.
- Hindi ko akalaing mala-MMK pala ang pamilya mo. Napaka-masayahin mo kasi talaga, eh. Salamat sa pagtitiwala mo sa akin noong ikinwento mo ang buhay mo. Nalaman kong marami pala tayong pagkakapareho.
- Brutal ka; lagi kang nanghahampas, namamalo, nangungurot, at nangangagat. Pero lagi ka ring tumatawag sa amin, at nakikipagdaldalan sa akin. Salamat sa mga walang kwentang usapan, napakarami kong nalaman dahil sa’yo.
- Marami akong natutunan sa’yo, tulad na lamang ng tamang pagbigkas ng MAPUA at Pepe Smith. Marami rin akong nalaman tungkol sa Eraserheads kahit hindi naman talaga ako interesado. Salamat sa pag-update sa akin sa UAAP noong sportswriter pa ako.
- Nagulat ako nung bigla kang sumabat sa usapan, “Alam mo, pag tinitingnan kita, parang andami-dami mong problema.” Hindi ko akalaing mangagaling ‘yun sa’yo. Hindi tayo close, pero salamat sa pakikipagkwentuhan sa akin noong nagpaiwan ako pagkatapos ng AstroCamp.
- Itinakwil kita, pero itinuturing mo pa rin akong anak. Mala-prodigal daughter ang drama. Pasensya ka na kung hindi ako nakinig sa payo mo noong minsan. Para kasing biased ka. Pero ngayon, napagtanto ko nang “mothers know best“.
- Isang bagay na natutunan ko sa’yo ang paggamit ng salitang “habit” sa isang bagay na isang beses pa lang nagagawa. Salamat sa telebabad moment
snatin noong kailangan ko ng mapagkekwentuhan. Tayo pa rin talaga ang orihinal na mag-ate. WEDER. - Hindi ikaw, hindi siya, at hindi rin ako ang may gustong maging magkaibigan tayo. Kundi si Lord. Biruin mo, ginawa niya tayong magkatabi nang halos buong taon. Galing, ‘no? Salamat sa lahat. Ikaw ang pa rin pinakamasayang kausap!
- Minsan lang tayong mag-usap, pero lagi mo akong napapasaya. Pasensya ka na kung lagi kitang ginugulo para lang maglabas ng kilig. Alam mo bang tuwing kausap kita, para akong may kausap na celebrity. May fans club ka na nga, eh. Dabah?
- Four consecutive years ng pagiging seatmates. Akalain mong naka-survive ako? Nakita mo na halos lahat sa akin: ang pagiging matakaw ko sa pagkain at tulog. Salamat at hindi mo ako kinunan ng litrato.
- Minsan mo lang akong kinausap — para humingi ng isang maliit na pabor na hindi ko rin naman nagawa. Patawad at nasawi na naman sa pag-ibig ang kaibigan mo.
- Ikaw ang pinakamalaking BAD INFLUENCE sa buhay ko. Dahil sa kagustuhan mong magkaroon ng kopya ng Heartfelt, napilitan akong mag-send ng files.
- Sa susunod mong kaarawan, sana madama mo pa rin ang presence ko. At sana, dumating ang araw na makita kong maiksi na ang buhok mo.
- Labis akong humahanga sa’yo. Ang tapang mo, ang tatag mo, ang tibay mo. Hindi biro ang nangyari sa’yo. Hayaan mo at gagalingan ko ang pagkanta sa ating duelo.
Bordz, hinding-hindi ko kayo malilimutan. Ever. Salamat sa pagkakataong makilala kayo. •