Ebridey for life
Sumabay lang ako sa’yo dati kasi iniwan na ako ng mga madalas kong kasama. Hindi ko alam na ang miminsang ‘yun ay magtatagal pa at magtutuloy-tuloy hanggang sa maging malapit tayo sa isa’t isa.
Higit kanino man, ikaw ang may pinakamahabang pagpapasensya sa akin. Salamat sa pagkukunsinti mo sa mga kabangagan ko at sa madalas mong pakiki-jamming sa tuwing nagko-concierto ako. Salamat dahil tinanggap mo ako nang buo at walang pag-aalinlangan bilang bespren mo, sa kabila ng kawirdohan ko.
Bihira lang tayong magsama sa mga lakaran, galaan, at gimik dahil na rin sa pagkakaiba ng mga mundong ating ginagalawan. Pero ni minsan, hindi mo pinaramdam sa aking magkaiba tayo. Salamat dahil nagpakatotoo ka sa akin. Salamat dahil hindi ka nagdalawang-isip na ikwento sa akin ang mga pinagdadaanan mo. At hindi ka nagagalit sa akin sa tuwing idinudusta at hinahamak ko ang paborito mong banda. Kasi naman, ang dami-daming banda ngayon, ‘yung na-disband pa ang pinili mong hangaan.
Dahil ikaw lamang ang hindi nang-iwan, tunay na kaibigan, lagi kang nandyan.
— “Ikaw”, Sarah Geronimo
Kahit malabong mangyaring magtagpo pa tayong muli, hayaan mong ituring kitang bespren — ebridey for life. •