#1

Hindi ko lubusang maunawaan kung bakit kailangan ng kumpitensya. Bakit kailangang magpagalingan? Bakit dapat magpatalbugan? Walang saysay. Wala naman itong maidudulot sa atin kundi inggit at kawalan ng tiwala sa sarili.

Naiinis ako. Naiinis ako nang sobra ngayon. Naiinis ako nang sobra sa kanya. Bakit ako? Bakit ako ang napili niyang kalabanin? Ano ba’ng kasalanan ko sa kanya? Hindi ko mawari.