Un viaje
Dalawang araw na lamang bago ang deadline noong malaman ko ang tungkol sa seminar. Agad-agaran akong naghanap ng makakasama. Mula sa mga malalapit kong kaibigan mula sa hayskul: Shasha, Pam, Kenneth, Angela, Dyina, Joey... Sa matalik kong kaibigan ngayong kolehiyo. Pero wala. Lahat sila kung hindi man busy, walang pera. Pa’no ba naman kasi, pamasahe pa lang, halos isandaang piso na. Hindi pa kasama doon ang P800 na fee sa seminar.
Nawawalan na ako ng pag-asa. Mabuti na lamang at nag-comment bigla sa status ko sa Facebook si Anna, kaklase ko noong unang semestre. Sa wakas, mabibigyang-katuparan na rin ang kahilingan kong makadalo sa seminar na iyon. May kasama na ako.

Napag-usapan naming magkikita sa 7-11 sa Pedro Gil ng alas siyete ng umaga. Aaminin kong nahuli ako ng gising. Mali kasi ang nai-set kong oras sa aking alarm clock. Huli ng isang oras. Pero ayos lang dahil kahitmedyo nahuli ako ng gising, maaga-aga naman akong nakarating sa aming tagpuan.
Mula sa Pedro Gil, sumakay kami sa bus papuntang Philcoa. Habang nasa biyake, napag-usapan namin ni Anna ang aming eskwelahan, pati na rin ang aking planong lumipat sa ibang pamantasan. Hindi naman sa pinilit, pero sinabi ni Anna na lumipat na nga raw ako. Matapos ang aming usapan, pareho kaming dumating sa konklusyong ang problema ng aming pamantasan ay wala sa sistema nito o sa pakultad ng mga guro, kundi nasa mga estudyante mismo.
Noong una, habang nasa bus, naisip naming baka lumagpas na kami. Hindi alam ni Anna ang lugar, at hindi rin ito pamilyar sa akin. ‘Yun pala, malayo pa ang Philcoa. Na-excite lang kami. :P
Pagkarating sa Philcoa, sumakay naman kami ng dyip papasok sa UP. Noong tanungin ko ang isang dating kaklaseng sa UP na ngayon nag-aaral, pagkapasok raw sa UP, bumaba na kami. Kasi “super iikot” daw muna ang dyip bago kami makarating sa aming patutunguhan, ang Videotheque. Sa kabila nito, hinayaan naming umikot nang bonggang-bongga ang dyip na aming sinasakyan. Bumaba kami sa tapat ng isang establicimiento na katabi ng University Theater... ipinagpapalagay na iyon na nga ang Videotheque. Nakapagtataka lamang dahil may salitang “gallery” sa sign board ng gusaling iyon. Naisip naming baka hindi iyon ang Videotheque kaya naman nagtanong kami sa tatlong kalalakihang (parang hardinero) na noo’y nasa tapat ng University Theater. Kinumpirma nilang iyong gusaling katabi ng Theater nga ang Videotheque.
Pagpasok namin, naisipi kong baka late na kami. Bagaman alam kong buhay na buhay pa rin magpahanggang-ngayon ang konsepto ng “Filipino time”, inalala ko ang aking naging karanasan sa nakalipas na docuseminar: maagang nagsimula. Pero mali ako. Dahil kami pa ni Anna ang unang mga panauhin.
Hindi naman nagtagal ay nagsidatingan na rin ang iba pa naming kasamahan. Mayroong nagtatrabaho bilang editor sa isang kumpanyang gumagawa ng indie films, at mayroon ding estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at College of Social Sciences and Philosophy. Laking gulat ko pa noong makita ko rin ang dating program manager na una kong nakilala’t nakita sa docuseminar noong nakaraang taon.
Opisyal na sinimulan ang Film Xplore sa pagpapalabas ng pelikulang Mansyon. Ang Mansyon ay kwento tungkol sa mag-asawang namamasukan bilang katulong (Dolores) at hardinero (Ambo) sa isang mansyong naglalaman ng “mas mahal pang muebles” kaysa kanilang buhay. Tatlong buwang mawawala ang kanilang amo at sa loob ng panahong ito’y kailangan nilang makibaka at makipagbuno sa tawag ng tukso at panandaliang kaligayahang dulot ng karangyaang hindi kanila.
Sa pamamagitan ng maiksing pelikulang ito’y ipinakilala sa amin ang konsepto ng pelikula at mise en scene. Ipinaliwanag sa amin ang kahalagahan ng bawat detalye — gaano man kaliit, kasimple at hindi kapansin-pansin — sa bawat frame sa bawat eksena ng isang pelikula.
Nadako rin ang talakayan sa iba’t ibang genre ng mga pelikula. Ipinaliwanag sa amin nang mas maigi ang konsepto ng pagkakaroon ng mga genre at maging posters ng pelikula. (Oo, posters! Kahit ako’y nagulat din. Hindi ko buhat akalaing isang malaking bagay din pala sa pag-analisa ng isang pelikula ang mga poster nito.) Kaugnay nito, pinanood namin ang isang eksena mula sa pelikulang Batch ‘81 ng batikang direktor na si Mike de Leon.
Pagkatapos nito’y sunod naman naming pinanood ang short film na Un Viaje (A Trip), na ipinasa at inilahok ng isang Mehikanong mag-aaral sa Kodak Filmschool Competition noong 2004. Ang Un Viaje ay tungkol sa isang ama at kanyang anak na lalaki na mayroong espesyal na pangangailangan. Sa bahaging ito ng seminar ako mayroong pinakamaraming natutunan. Kabilang na rito ang kahalagahan ng pag-analisa, pag-unawa, at pagsuri nang mabuti sa kung bakit piniling isali ng direktor ang isang eksena, bagay, elemento, at iba pa sa kabuuan ng kanyang pelikula. Nangangahulugan na ang panonood ng pelikula ay hindi lamang isang gawaing panlibang na ginagamitan ng mata’t mga tainga, kundi isang gawaing intelektwal na kailangang gamitan rin ng malalim na kaisipan.
Sa loob ng humigit-kumulang tatlong oras, napakaraming bagay kong natutunan sa sining ng pagpepelikula. Hindi ito dapat ituring na basta-basta lalo pa’t isa ito sa mga anyo ng media na mayroong pinakamalawak na awdyens. Gayundin, kahit sa iilang sandali ay masasabi kong naranasan ko (kahit pahapyaw lamang) kung paano nga ba maging iskolar ng bayan. •
Nawawalan na ako ng pag-asa. Mabuti na lamang at nag-comment bigla sa status ko sa Facebook si Anna, kaklase ko noong unang semestre. Sa wakas, mabibigyang-katuparan na rin ang kahilingan kong makadalo sa seminar na iyon. May kasama na ako.

Napag-usapan naming magkikita sa 7-11 sa Pedro Gil ng alas siyete ng umaga. Aaminin kong nahuli ako ng gising. Mali kasi ang nai-set kong oras sa aking alarm clock. Huli ng isang oras. Pero ayos lang dahil kahit