Ibabalik ko sa uso ang Friendster para masaya

COMMERCIAL NO. 1

Kailan pa naging Filipino ng librarian ang “laybrarian”? At ng classification ang “klasifikeysyon”?

Sorry, ha? Alam kong may bagong panuntunang sinusunod sa pagsasaling-wika. Pero hindi yata’t mas mainam kung sa halip na magbaybay-Filipino tayo ay gamitin na lamang natin ang orihinal na salitang Filipino na katumbas ng mga salitang Ingles. O di kaya’y wag na lamang natin isaling-wika. Nakakahilo, e.

Sa pagsusulat, masasabing forte ko ang Filipino. Nalinang ako nang husto sa wikang ito sa mataas na paaralan. Pero kung araw-araw naman ay puro mga ganitong uri ng “transleysyon” ang mababasa’t gagamitin ko, di bale na lang. Mas gugustuhin ko na lang na mag-Ingles kaysa mag-nosebleed mismo sa “mader tang” (mother tongue) ko, ‘no. Hindi yata “apropriyeyt” ‘yun.

* * *

COMMERCIAL NO. 2

[REDACTED]

* * *

COMMERCIAL NO. 3

Pasensya na, ha? Nakikiuso lang kasi ako sa panahon ngayon kung kailan halos kinakain na ng iba’t ibang advertisements ang oras na laan sa anumang programang pinapanood mo.

Isipin mo, sa sarili kong blog, libre lang ang commercials. Pero sa totoong buhay, partikular na sa telebisyon, nagkakahalagang humigit-kumulang P1 milyon ang presyo ng isang 30-segundong commercial.

Dare: Try mong bilangin ‘yung commercials ni Ano araw-araw. Hindi pa kasama sa bayad sa mismong air time ‘yung ibinayad niya sa agency na sumulat ng ma-LSS na jingle niya.

* * *

Dear Sir EJ,

Nakakainis ka. Bakit ka nag-resign? Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako nagtatagal sa pamantasan tapos nawala ka na lang bigla. Ni hindi ako informed. Birthday week ko pa nung nawala ka. Okay fine, kalimutan mo ‘yung “birthday week” ko. Pero nawala ka nung kailan kita pinaka-kailangan.

Hindi ko pa nasasabi sa’yo na hindi ako masaya rito, na ayaw ko rito. Hindi ko pa nasasabi sa’yo na pakiramdam ko, hindi ako “belong” dito, na para lang akong isang batang naliligaw. Hindi ko pa nasabi sa’yo na noong huling magkausap tayo, hindi ako masaya dahil sa mga kaganapan sa buhay ko bilang mag-aaral ng pamantasan, kundi dahil alam ko’t gusto kong maging masaya. Paano ko na masasabi ang mga bagay na ito kung wala ka na? Naman e. Perfect pa naman ang rating ko sa’yo noong nagkaroon ng evaluation. Kunwari maibabalik ka ng perfect rating na iyon.

Ikaw lang ang kilala kong pwede kong kausapin tungkol sa mga bagay na hindi kayang intindihin ng iba.

Na kapag sinabi kong parang hindi ko ka-level ang mga kaklase ko, hindi iisiping mayabang lang ako.

Na kapag nalulungkot at nadidismaya ako sa average grade na 94.75, hindi iisiping mataas lang talaga ang standards ko.

Na kapag sinabi kong masyadong madali ang Math namin, hindi iisiping matalino’t magaling lang talaga ako sa Math.

Na kapag sinabi kong parang gusto kong lumipat, hindi ako pipigilan dahil “sayang” ako, bagkus, tutulungan akong isipin kung tama ba ang gagawin kong desisyon at hindi ko ito pagsisisihan baling araw.

Bakit ka nag-resign? Naman e. Wala tuloy akong makausap ngayon.

Wala tuloy akong masabihan tungkol sa isa kong kamag-aral na hindi sasang-ayon sa mga naiisip kong negatibo sa kanya.

Na kapag ikinwento ko ‘yung mga pagkakataong ginagamitan niya ng “charms” ang mga propesor, sasabihin sa aking baka naman may valid siyang reason.

Na kapag sabihin kong gusto niya na siya lagi ang nabibigyan ng credit, tatanungin ako kung talagang mayro’n pa nga bang ibang karapat-dapat bigyan ng credit.

Na kapag nagrereklamo akong siya na lang lagi, tatanungin ako kung may ginagawa ba ako.

Bakit mo kinailangang mag-resign? Naman e. Hindi ko tuloy alam kung sino’ng dapat kong kausapin tungkol sa ganitong mga usapin. Hindi ko tuloy alam kung sino’ng dapat kong sabihan tungkol sa mga nabubuong ideya sa isipan ko. Hindi ko tuloy alam kung sino’ng pupuntahan.

Pero... siguro pareho lang tayo. Nauna ka lang sa aking lumipat ng eskwelahan.

* * *

COMMERCIAL NO. 4

May dalawa akong bagong paboritong kanta:
Homeless Heart — Jennette McCurdy
Never Gonna Happen — Lily Allen