Commuter sa Sta. Ana
Grabe. As in grabe talaga.
Pumunta ako sa Sta. Ana kanina, pagkarating na pagkarating ko sa dorm. Mag-isa lang akong bumiyahe, pero kasama ko si Nadine, partner ko noong community immersion namin, na babalik doon.
Matagal ko na ring gustong balikan ang lugar na iyon. Marami kasi akong nakita roon na hindi ko nakikita sa siyudad, o kahit man lang sa aming tahanan. Marami rin akong natutunan sa mga naging karanasan ko roon. At ang mga guro ko kadalasa’y hindi ang mga mas nakatatanda sa akin, kundi ang mga paslit na kung iisipi’y wala pang kamuwang-muwang sa mundong kanilang ginagalawan. Marami akong mga nakilala at naging kaibigan. Nami-miss ko na silang lahat. Nami-miss ko na ang Sta. Ana.
Naglalakad ako noon at papasok pa lamang sa barangay. Nakaramdam ako ng pag-aalangan. Paano kung hindi na nila ako natatandaan? Paano kung wala nang nakakakilala sa akin? Paano kung walang pumansin sa akin? Pero naglaho ang lahat ng mga katanungang ito, at hindi na ako muling nag-alangan pa, noong batiin ako ng isang bata na ilang dipa ang layo sa akin sa mga oras na iyon.
“Hindi ba si Ate Cherry ‘yun?” tanong niya sa kanyang kasama. “Ate Cherry!” pasigaw niyang bati sa akin.
Nakakatuwa. Sa totoo lang, dalawa o tatlo lang naman talaga ang batang inaalagaan ko roon. Ngunit kung iisipin, halos lahat ng bata’y sa akin nakakapit.
Nagdire-diretso ako sa paglalakad. Tutunguhin ko ang tahanan ng pamilyang aking sinamahan nang halos anim na araw. Napakatahimik ng lugar. Nakakapanibago. Tila wala ang mga batang madalas kong nakikitang pakalat-kalat at naglalaro sa kalsada. Hindi ko napigilang maisip, “Paano kung wala sila sa bahay?”
Tuloy pa rin ako sa paglalakad sa kabila ng pag-aatubili. Bigla akong napalingon sa aking mga narinig.
“Uy, hindi ba si Cherry ‘yun?”
Si Tita Edina, nanay ng mga batang inalagaan ko. Mabuti na lamang at nakita niya ako. Nakakahiyang tumuloy sa kanila nang walang imbitasyon. Magkasama na kaming pumaroon sa kanilang bahay, kasunod ang iilan sa mga batang aking mga naging kaibigan. Tamang-tama, dumating na rin si Nadine.
Nagkwento si Tita Edina sa mga nangyari sa kanilang lugar noong natapos na ang community immersion namin. Hinahanap raw kami lagi ni Balat, dalawang-taong gulang, bunso niyang anak. “Mama, asan na sina Ate Cherry?” lagi raw niyang itinatanong. Nung minsan pa nga raw, tinanggihan nito ang dalawang Paulinian na pumalit sa amin ni Nadine. “Ayaw ko sa inyo. Hindi kayo sina Ate Cherry. Sina Ate Cherry maganda.” Hindi ko alam kung matatawa ako, kikiligin, o maaawa sa dalawang pumalit sa amin sa lugar na iyon. Ang nasisiguro ko lamang, nakakataba ng puso ang aking mga narinig.
Ilang minuto lamang ang lumipas at kinailangan na rin naming umalis. May gagawin pa raw kasing report si Nadine. At ako naman, hinahabol ang hapunan na inihahain sa dorm sa itinakdang oras.
Naglalakad na kami noon, papunta sa main road, upang pumara ng masasakyang dyip. Inihatid kami ni Tita Edina. At ang mga bata naman, tulad ng dati,nakasunod sa amin nakakapit sa akin. At ‘yung literal na “kapit” ang tinutukoy ko rito. May mga nakahawak sa magkabila kong braso, hiwalay pa ang may hawak sa aking mga kamay. Mayroon ding nakakapit sa dulo ng suot kong t-shirt, at mayroong nakahawak sa aking binti. Isipin n’yo na lang kung ano na’ng itsura ko nu’n.
Naunang bumaba si Nadine sa dyip. (Malapit lang naman kasi ang bahay nila.) At ako... naligaw.
Bumaba kasi ako sa kahabaan ng Marcelo del Pilar St.; akala ko, lumagpas na ako o di kaya’y hindi daraan ng St. Paul ang dyip na sinasakyan ko. Kinabahan din ako dahil lahat ng mga kasabay kong pasahero noo’y kung hindi sa Paco, sa Sta. Ana ang destinasyon. Idagdag na rin natin ‘yung sign board ni Manong Driver. (Haha.) Tinahak ko ang daan pabalik. Walang kasiguraduhan ang naging desisyon ko. Bahala na.
Nakakatakot maglakad nang mag-isa sa lugar na hindi ka pamilyar. Naisipan kong magtanong kay Kuya Guard para naman may patunguhan ang paglalakad-lakad ko. “Kuya, saan ang shortest way papuntang Pedro Gil?”
Pangatlong kanto raw mula sa aking pinaroroonan ay ang Pedro Gil St. Naglakad ako pabalik hanggang sa nakita ko na ang Pedro Gil. Ngunit ang Pedro Gil na aking nasilayan ay hindi ang Pedro Gil na pamilyar sa akin.
Naglakad uli ako pabalik para magtanong. Natiyempuhan ko ang isang mag-ina. Ang kaso, hindi rin daw nila kabisado ang lugar. Nagtanong kami kay Ate Guard. “Saan po ba papuntang Pedro Gil? Sa may Rob.”
Pangatlong kanto raw mula sa aking pinaroroonan ay ang Pedro Gil St. Naglakad ako pabalik hanggang sa nakita ko na ang Pedro Gil. Ngunit ang Pedro Gil na aking nasilayan ay hindi ang Pedro Gil na pamilyar sa akin.c
No choice. Dalawang tao na ang nagtuturo sa akin sa daang iyon. Baka nga ‘yun talaga ang tamang daan. Nag-u turn ako at muling naglakad patungo sa sinasabi nilang Pedro Gil. Kahit hindi ako pamilyar sa mga nakikita kong establecemiento, go pa rin... sa kabila ng pangamba (Shocks! Tama ba ‘tong tinatahak ko?), takot (Sana hindi ako ma-holdap. Marami pa naman daw holdaper sa Pedro Gil.), pagkalito (Homaygulay, asan na ba ako? Pedro Gil na ba ito? Nasat’n ang Rob?), kaba (Paano kung lalo akong maligaw? Wah!), gutom (Maabutan ko pa kaya ‘yung dinner namin?), at lahat na ng uri ng emosyon na maaaring iugnay sa akin sa sitwasyong iyon.
Lakad lang ako nang lakad kahit hindi ko makita ang Rob, 7-11, at unibersidad. Hindi rin nagtagal at unti-unti na akong nakakita ng liwanag sa madilim na kalsadang aking binabagtas. Owmaybetchabaygaliwaw. Nasa Pedro Gil nga ako. Naroon na ang 7-11. Nakita ko na ang Rob. At higit sa lahat, nakarating na ako sa unibersidad. Ligtas ako. I’m hooome.
‘Yun nga lang, may problema. Hindi na ako nakapag-hapunan. At ang siste, isang kanto na lang pala mula sa binabaan ko, Pedro Gil na.
Moral lesson: Wag magtiwala sa sign board ni Manong Driver. Maniwala kina Kuya Guard at Ate Guard. (Applicable lang ito sa mga piling sitwasyon.) Hehe. •
Pumunta ako sa Sta. Ana kanina, pagkarating na pagkarating ko sa dorm. Mag-isa lang akong bumiyahe, pero kasama ko si Nadine, partner ko noong community immersion namin, na babalik doon.
Matagal ko na ring gustong balikan ang lugar na iyon. Marami kasi akong nakita roon na hindi ko nakikita sa siyudad, o kahit man lang sa aming tahanan. Marami rin akong natutunan sa mga naging karanasan ko roon. At ang mga guro ko kadalasa’y hindi ang mga mas nakatatanda sa akin, kundi ang mga paslit na kung iisipi’y wala pang kamuwang-muwang sa mundong kanilang ginagalawan. Marami akong mga nakilala at naging kaibigan. Nami-miss ko na silang lahat. Nami-miss ko na ang Sta. Ana.
Naglalakad ako noon at papasok pa lamang sa barangay. Nakaramdam ako ng pag-aalangan. Paano kung hindi na nila ako natatandaan? Paano kung wala nang nakakakilala sa akin? Paano kung walang pumansin sa akin? Pero naglaho ang lahat ng mga katanungang ito, at hindi na ako muling nag-alangan pa, noong batiin ako ng isang bata na ilang dipa ang layo sa akin sa mga oras na iyon.
“Hindi ba si Ate Cherry ‘yun?” tanong niya sa kanyang kasama. “Ate Cherry!” pasigaw niyang bati sa akin.
Nakakatuwa. Sa totoo lang, dalawa o tatlo lang naman talaga ang batang inaalagaan ko roon. Ngunit kung iisipin, halos lahat ng bata’y sa akin nakakapit.
Nagdire-diretso ako sa paglalakad. Tutunguhin ko ang tahanan ng pamilyang aking sinamahan nang halos anim na araw. Napakatahimik ng lugar. Nakakapanibago. Tila wala ang mga batang madalas kong nakikitang pakalat-kalat at naglalaro sa kalsada. Hindi ko napigilang maisip, “Paano kung wala sila sa bahay?”
Tuloy pa rin ako sa paglalakad sa kabila ng pag-aatubili. Bigla akong napalingon sa aking mga narinig.
“Uy, hindi ba si Cherry ‘yun?”
Si Tita Edina, nanay ng mga batang inalagaan ko. Mabuti na lamang at nakita niya ako. Nakakahiyang tumuloy sa kanila nang walang imbitasyon. Magkasama na kaming pumaroon sa kanilang bahay, kasunod ang iilan sa mga batang aking mga naging kaibigan. Tamang-tama, dumating na rin si Nadine.
Nagkwento si Tita Edina sa mga nangyari sa kanilang lugar noong natapos na ang community immersion namin. Hinahanap raw kami lagi ni Balat, dalawang-taong gulang, bunso niyang anak. “Mama, asan na sina Ate Cherry?” lagi raw niyang itinatanong. Nung minsan pa nga raw, tinanggihan nito ang dalawang Paulinian na pumalit sa amin ni Nadine. “Ayaw ko sa inyo. Hindi kayo sina Ate Cherry. Sina Ate Cherry maganda.” Hindi ko alam kung matatawa ako, kikiligin, o maaawa sa dalawang pumalit sa amin sa lugar na iyon. Ang nasisiguro ko lamang, nakakataba ng puso ang aking mga narinig.
Ilang minuto lamang ang lumipas at kinailangan na rin naming umalis. May gagawin pa raw kasing report si Nadine. At ako naman, hinahabol ang hapunan na inihahain sa dorm sa itinakdang oras.
Naglalakad na kami noon, papunta sa main road, upang pumara ng masasakyang dyip. Inihatid kami ni Tita Edina. At ang mga bata naman, tulad ng dati,