Unang hakbang sa katuparan ng mga pangarap
Mula pa man noong aking kabataan, nakahiligan ko na talagang manood ng mga dokumentaryo, partikular na ang sa I-witness. Sa katunayan, una ko pang hinangaan sina Kara David at Jay Taruc, na parehong mga dokumentarista. Kaya naman noong mabasa ko ang anunsyo tungkol sa isang docu-seminar, halos abot-tainga na ang mga ngiti ko. Gusto kong dumalo.
Kahapon, halos apat o limang oras ang iginugol ko sa harap ng kompyuter, ginagawa ang resume na kailangan ko upang makalahok sa I-witness Docu-seminar. Sa mga nagdaang araw nama’y iniisip ko na kung saan ipapa-scan ang litratong aking gagamitin. Hindi na bago para sa akin ang paggawa ng resume at curriculum vitae dahil minsan na ring ipinagawa sa amin ito ng isa sa aming guro sa mataas na paaralan. Naging basehan pa nga ng ama ng pamangkin ko ang ginawa kong curriculum vitae, e. Kung tutuusin, wala akong kaproble-problema ukol dito. Pero meron. Dahil wala akong mailagay na impormasyon.
Nasa unang taon pa lang ako sa kolehiyo, at wala pang mailalagay sa ilalim ng Kasanayan, at iba pa, na maaaring tumapat sa kasanayan ng iba. Walumpu lang ang makakasali, at gusto ko talagang mapili. Pero dahil labing-anim na taong gulang pa lang ako, pakiramdam ko’y hindi pa man nagsisimula ang duwelo, dehado na ako. Paano ko magagawa ang aking resume na kayang makipagkompetensya sa resume ng ibang mas nakatatanda sa akin? Ito ang katanungang tumatakbo sa aking isipan.
Hindi na ako nag-abala pang humanap ng kasagutan para dito. Basta na lang gagawin ko kung ano ang makakaya ko. Ang importante lang naman ay ang magawa ko ang bagay na ito at hindi na palagpasin pa ang pagkakataon.
Maliban sa paggawa ng resume, kinailangan ko ring magsulat ng isang sanaysay tungkol sa paborito kong dokumentaryang ipinalabas sa I-witness. Hindi ito problema para sa akin dahil sanay na akong sumulat at magsulat.
Noong nakaraang gabi ko isinulat ang aking sanaysay. Mag-aalas otso na noon at halos nasa huling pangungusap na ako nang bigla kong mapindot ang end button ng aking telepono1. Sobra ang aking pagkainis noong mga oras na yaon. Halos hindi ko na magawa pang muli ang sanaysay dahil animo’y binura na ng aking utak ang mga ideyang naisulat ko na para rito. Pero pinilit ko pa ring tapusin ang dapat kong gawin, bagaman alam kong maaaring mas maganda ang una kong naisulat sa sumunod. Gusto ko kasi talagang makadalo.
Nang matapos ko na ang paggawa ng resume at sanaysay, ipapadala ko na ito sa email na nakasulat sa anunsyo. Dahil maliit lamang ang file size ng dalawang dokumentong aking ipadadala, madali itong nai-attach sa email. Send button na lang ang kulang, at tila hindi ko pa ito magawang pindutin.
Inatake ata ako ng pangamba noong sandaling iyon. Tama ba ang email address na padadalhan ko? Tama kaya ang mga ginawa ko? Wala kaya akong maling pagbabaybay ng mga salita? Ito ang mga katanungang naglalaro sa aking isipan noong mga sandaling iyon.
Di rin naman nagtagal ay naipadala ko na ang aking aplikasyon sa paglahok sa 2009 I-witness Docu-seminar.
Sana lang, sana lang talaga, mapili ako sa walumpung makakasama. Gustung-gusto ko kasi talagang makadalo. •
1 Ginagamit kasi ng nakababata kong kapatid noon ang kompyuter kaya upang hindi masayang ang oras, minabuti ko na lang na itipa ang aking mga kaisipan sa Notes ng aking telepono.