Alam Ko Na Sikreto Mo.
Salamat. Hindi man tayo magkakilala sa personal, hindi man tayo naging magkaibigan o magka-chat man lang, nais kitang pasalamatan sa napakalaking parteng ginampanan mo sa aking buhay.
Hindi ko na maalala kung bakit at paano ako napadpad sa’yo. Basta na lang nangyari. Parang itinadhana ng tadhana. Nakuha mo ang atensyon ko. At aaminin ko, isa ka sa mga naging dahilan kung bakit ako nagbalik sa mundo ng blogging. Ikaw ang dapat sisihin — at pasalamatan.
Taong 2006 nang magsimula ako sa pagba-blog. Pero nung mga panahong ‘yun, wala pa akong interes dito. Di rin nagtagal ay tumigil na ako. Isang taon matapos ng huli kong blog entry, nagbalik ako. Binigyan mo ako ng inspirasyon. Hindi, mali. Ikaw ang naging inspirasyon ko. Nagsimula akong muli. At heto ako ngayon, “pursuing my blogging career”.
Hindi ko alam kung alam mo, pero siguro hindi, kaya maglalakas-loob na akong sabihin ito dahil baka di rin naman makaabot sa’yo. Tsk. Kailangan mo akong pasalamatan. Isa man ako sa mga lurkers mo (pero mas gusto ko pa rin ang term na stalker), isa ako sa support system mo at mga masusugid mong tagasubaybay. Isa ako sa mga tumulong sa’yong mapabagsak si Inday. (Naging parte ng dailies ko ang pagboto sa blog mo. ‘Yun nga lang, wala akong nakikitang direct link mula sa blog mo tungo sa blog kung saan ka nominado. Kaya ang ginagawa ko nun, pumupunta ako kay Inday (kung saan may link tungo sa blog kung saan ka nominado), pero ikaw ang binoboto ko. Wag mo akong isusumbong kay Inday, ha? Isa ako sa mga bumoto sa’yo sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles. (Pero nasa isang blog ko ‘yung raffle entry.) At, hindi ka man umabot sa semifinals ng Candy Blog Awards, masasabi kong isa ako sa mga nag-rate at nag-comment sa’yo.
Kung hindi pa sapat ang mga ‘yan, hayaan mong idadagdag ko na rin ang pagpapakalat ko sa blog URL mo sa mga kaklase, kaibigan at kapatid ko na ngayo’y isa na rin sa mga masusugid mong tagasubaybay.
Ispokening of my sister, alam ko at sigurado akong kilala mo siya. Pasensya ka na dun. Pasaway lang talaga ‘yun. Pero salamat din. Dahil sa pagpapasensya mo sa kakulitan nun. Dahil sa pagbabahagi ng oras mo para sa pagsagot sa mga tanong niya, pag-moderate sa comments niya, at pakikipag-chat sa kanya kagabi. At higit sa lahat, sa pagpapangiti mo sa kanya. Masaya akong napapasaya mo ang kapatid ko tulad nang pagpapasaya mo sa iba pang mga mambabasang napapasaya mo. Kahit kasi “utusan” ko lang ‘yun, iisa lang ang dugong dumadaloy sa aming veins — mahal ko ‘yun. Pasensya na nga rin pala kung isa ako sa mga mambabasa mong hindi nag-iiwan ng bakas.Shy type kasi ako. Minsan kasi, di ako maka-relate sa mga ek-ek n’yo ng blogger friends mo. Minsan naman, tinatamad lang talaga ako. At minsan pa — este madalas — speechless ako. Alam kong mas gusto mo kung mag-iiwan ako ng bakas sa blog mo. Pero wala akong pakialam. Dahil pumupunta ako sa blog mo para magbasa at hindi para mag-comment. Haha.
Ayos lang sa akin kung di ka makapag-thank you. Baka kasi hindi rin naman ito makarating sa’yo. Kuntento na akong nababasa ko ang mga kabaliwang ipinapahayag mo sangkablogosperyuhan. Wag na wag kang titigil sa pagba-blog. Dahil hindi lang ako at ang kapatid ko ang nabibigyan mo ng inspirasyon at kasiyahan. Marami pang iba dyan, di lang nagpaparamdam. Salamat sa lahat! •
PAHABOL: Di pa kita nakikita in person. Pero masasabi kong magandang-maganda ka at paganda pa nang paganda.
PAHABOL ULI: Ako nga pala ang 8888th visitor mo sa luma mong blog.
Hindi ko na maalala kung bakit at paano ako napadpad sa’yo. Basta na lang nangyari. Parang itinadhana ng tadhana. Nakuha mo ang atensyon ko. At aaminin ko, isa ka sa mga naging dahilan kung bakit ako nagbalik sa mundo ng blogging. Ikaw ang dapat sisihin — at pasalamatan.
Taong 2006 nang magsimula ako sa pagba-blog. Pero nung mga panahong ‘yun, wala pa akong interes dito. Di rin nagtagal ay tumigil na ako. Isang taon matapos ng huli kong blog entry, nagbalik ako. Binigyan mo ako ng inspirasyon. Hindi, mali. Ikaw ang naging inspirasyon ko. Nagsimula akong muli. At heto ako ngayon, “pursuing my blogging career”.
Hindi ko alam kung alam mo, pero siguro hindi, kaya maglalakas-loob na akong sabihin ito dahil baka di rin naman makaabot sa’yo. Tsk. Kailangan mo akong pasalamatan. Isa man ako sa mga lurkers mo (pero mas gusto ko pa rin ang term na stalker), isa ako sa support system mo at mga masusugid mong tagasubaybay. Isa ako sa mga tumulong sa’yong mapabagsak si Inday. (Naging parte ng dailies ko ang pagboto sa blog mo. ‘Yun nga lang, wala akong nakikitang direct link mula sa blog mo tungo sa blog kung saan ka nominado. Kaya ang ginagawa ko nun, pumupunta ako kay Inday (kung saan may link tungo sa blog kung saan ka nominado), pero ikaw ang binoboto ko. Wag mo akong isusumbong kay Inday, ha? Isa ako sa mga bumoto sa’yo sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles. (Pero nasa isang blog ko ‘yung raffle entry.) At, hindi ka man umabot sa semifinals ng Candy Blog Awards, masasabi kong isa ako sa mga nag-rate at nag-comment sa’yo.
Kung hindi pa sapat ang mga ‘yan, hayaan mong idadagdag ko na rin ang pagpapakalat ko sa blog URL mo sa mga kaklase, kaibigan at kapatid ko na ngayo’y isa na rin sa mga masusugid mong tagasubaybay.
Ispokening of my sister, alam ko at sigurado akong kilala mo siya. Pasensya ka na dun. Pasaway lang talaga ‘yun. Pero salamat din. Dahil sa pagpapasensya mo sa kakulitan nun. Dahil sa pagbabahagi ng oras mo para sa pagsagot sa mga tanong niya, pag-moderate sa comments niya, at pakikipag-chat sa kanya kagabi. At higit sa lahat, sa pagpapangiti mo sa kanya. Masaya akong napapasaya mo ang kapatid ko tulad nang pagpapasaya mo sa iba pang mga mambabasang napapasaya mo. Kahit kasi “utusan” ko lang ‘yun, iisa lang ang dugong dumadaloy sa aming veins — mahal ko ‘yun. Pasensya na nga rin pala kung isa ako sa mga mambabasa mong hindi nag-iiwan ng bakas.